
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Guinobatan Fire Station sa Barangay Maguiron, Guinobatan, Albay, matapos makatanggap ng ulat tungkol sa isang malaking sawa na nasa isang residential area.
Matagumpay na naisagawa ang snake retrieval operation at maingat na inalagaan ng mga bumbero ang sawa at sinigurong walang masasaktan sa operasyon, maging ang mga residente, hayop, o ang sawa mismo.
Matapos ang matagumpay na paghuli, ang sawa ay ligtas na isinuko sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Guinobatan para sa tamang pangangalaga.










