LEGAZPI CITY- Kinilala ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Brgy. Caragñag, San Andres, Catanduanes bilang kauna-unahang National Grand Winner sa Search for Outstanding SK Response on COVID-19 Video Report Contest.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay SK Chairman Joal Cocjin, nasa 122 na mga SK councils mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang pinagpilian para sa parangal ng National Youth Commission at Ang Probinsyano Party-list.

Pinagsumite umano ang mga ito ng video ng mga SK na nagpapakita ng lahat ng ginagawa upang matulungan ang mga nasasakupan sa panahon ng coronavirus pandemic.

Matapos na gumawa ng video ia-upload ito sa kanilang Facebook Page at dapat na makakakalap ng maraming likes and views maliban pa sa magandang mensahe.

Makakatanggap rin ang konseho ng P30,000 cash grant na magagamit man para sa pagpapatuloy ng kanilang mga programa sa pagtulong sa mga naapektuhan ng pandemya.

SK Chairman Joal Cocjin ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Brgy. Caragñag, San Andres, Catanduanes