LEGAZPI CTY – May posibilidad na ma-extended pa ang mga aktibidad ng bulkang Mayon.

Ito’y sa kabila ng nauna nang pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na matatapos na sa mga masunod na linggo ang pag-aalburoto nito.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Paul Alanis, Resident Volcanologist ng PHIVOLCS sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kung saan kahit pa umano mayroong pagkakapareho sa parametro ang kasalukuyang abnormalidad sa 2009 eruption, hindi pa rin magagarantiya na hindi na magkakaroon ng extension ang mga aktibidad nito.

Kung saan nasa 20 cubic meters ang naiatala noong 2009, at nasa 16-17 cubic meters na ang inilabas ngayong volcanic materials ng bulkang Mayon , kung saaan nananatili ang mg posibilidad at pagbabago.

Walang nakikitang pagbabago sa ilang mga mga parametro ng bulkan, kung saan sa pinakahling ngĀ  bulkan na magiging dahilan upang ibaba na ang alert status.
Samantala posible umanong magkaroon ng ashfall sa bahagi ng Camalig at Guinobatan dala ng uson o pyroclastic density currents na na naitala kagabi dakong alas-6:30.

Screebshot from: Erickson Banzuela Balderama