LEGAZPI CITY – Muling tataas ang singil sa kuryente ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo.
Tumaas ng P18.39 per kilowatt-hour ang overall rate sa typical residential consumers sa buwan ng Hulyo mula sa P15.72 per kWh noong Hunyo.
Batay sa abiso ng APEC, nasa P2.67 per kWh ang itinaas sa commercial consumers overall rate papunta sa P17.41 /kWh at sa high voltage consumers ay tumaas ng P2.66 papunta sa P16.14.
Asahan na ng mga residential consumers na komukunsumo ng 200 kWh ang pagtaas ng total bill sa P535.32.
Dahilan ng pagtaas ng generation charge ang patuloy na pagtaas ng fuel prices sa global market.
Kaya naman, pinapayuhan ang consumers na magtipid sa kuryente upang maiwasan ang pagbabayad ng mataas na electricity bills.