LEGAZPI CITY – Muling nanawagan ang Simbahan sa mga Katoliko na itigil na ang pagpapapako sa krus bilang penitensya tuwing Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Fr. Rex Arjona ng Diocese of Legazpi, hindi iminumungkahi ng simbahan ang pagpapapako sa krus at pagpoprosisyon habang sinasaktan ang sarili bilang penitensya.

Ayon kay Arjona, ang totooong penitensya ay magagawa sa pamamagitan ng pagbabago at pagtalikod sa mga nagawang kasalanan.

Payo nito na magsimba na lamang ngayong Semana Santa mag-ayuno at tumulong sa kapwang nangangailangan.

Magsisimula ang Semana Santa ngayong Marso 24 at magtatagal ng hanggang 31.