LEGAZPI CITY-Nakatanggap ang Barangay Lamba sa Legazpi City ng Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) award at pumasa sa performance indicators ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Kagawad Emma Panes, ng Brgy. Lamba, Legazpi na may apat na performance indicator ang ahensya sa pagpili ng SGLGB awardees tulad ng mga kinakailangan at gawain ng peace committee, transparency ng budget, at iba pa.
Ito ang unang pagkakataon na napabilang ang kanilang barangay sa parangal at mula noong 2029 ay nakasunod na sila.
Nakatanggap din ng certificate ang barangay at nabigyan ng cash assistance.
Isang malaking karangalan din na kilalanin ng nasabing barangay at patunay ito na nagtatrabaho ang kanilang mga opisyal.
Nagpadala rin ng mensahe ang kagawad sa mga residente ng brgy lamba, na patuloy na suportahan ang mga aktibidad at programa ng kanilang barangay.