LEGAZPI CITY- Nag landfall na ang sentro ng super typhoon Pepito sa bisinidad ng Panganiban, Catanduanes kaninang alas-9: 40 ng gabi.

Matatandaan na isa sa mga tinumbok ng naturang sama ng panahon ang island province.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nakakaranas ng mga pag-ulan at hangin ang malaking bahagi ng lalawigan.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ang iniwang pinsala ng super typhoon Pepito sa mga bayan sa lugar.

Kung babalikan, una ng nanawagan ng panalangin at tulong si Catanduanes Governor Boboy Cua para sa mga residente na naapektuhan ng naturang sama ng panahon.