Nilinaw ni Senator-Judge Ping Lacson na hindi siya naghain ng ‘perjury case’ laban sa self-proclaimed Davao Death Squad (DDS) at dating police officer na si Arturo Lascañas.
Ito matapos mabanggit ng defense team ni Vice President Sara Duterte sa ika-siyam na araw ng paglilitis, ang isang nailathalang artikulo hinggil sa posibleng pagharap sa kasong perjury ni Lascañas.
Ayon kay Lacson, na dating nagsilbing Committe Chair ng Committee on Public Order na nag-imbestiga sa umano’y extra judicial killing, na binawi at binago ni Lascañas ang mga naging testimonya nito sa pagdinig subalit hindi siya naghain ng anumang perjury case.
Bagkus, sinabi ng senador na inirekomenda ng komite ang ammendment sa revised penal code upang taasan ang penalidad para sa krimen ng perjury.











