JD Vance, Donald Trump
FILE - Senate candidate JD Vance, left, greets former President Donald Trump at a rally at the Delaware County Fairground, April 23, 2022, in Delaware, Ohio, to endorse Republican candidates ahead of the Ohio primary on May 3. High-profile surrogates for Republicans running in Ohio’s hotly contested Senate primary are fanning out across the state or holding other events to give their endorsed candidates a last-minute boost ahead of Tuesday’s election. Sens. Josh Hawley, Ted Cruz and Rand Paul, along with Reps. Matt Gaetz and Marjorie Taylor Greene, were among the conservative emissaries making final pitches in the critical Senate race. (AP Photo/Joe Maiorana, File)

LEGAZPI CITY – Napiling vice presidential runningmate ni dating US President Donald Trump si Senator JD Vance ng Ohio sa darating na US Election sa buwan ng Nobyembre.

Pinili ni Trump si U.S. Senator J.D. Vance matapos na inominate ng Republicans ang dating presidente na tumakbo muli para sa White House sa pag-umpisa ng national convention ng kanilang partido sa Milwaukee.

Kilala si Senator J.D. Vance ng Ohio bilang author ng memoir “Hillbilly Elegy” bago ang kanyang pagkapanalo sa Senado noong taong 2022.

Sinulat naman ni Trump sa kanyang Truth Social platform na ipagpapatuloy ni J.D ang laban para sa kanilang konstitusyon bilang bise presidente at gagawin ang lahat ng kanyang makakaya para ibalik ang pagiging matibay ng America.

Inanunsyo ito ni former US President Donald Trump dalawang araw matapos na makaligtas ito sa assassination attempt sa Pennsylvania.