Kinumpirma ni Senadora Risa Hontiveros na nakaalis na ng bansa si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo noong Hulyo 17.

Naiulat na pumasok siya sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Hulyo 18.

Ginamit ni Guo ang kanyang Philippine passport para makaalis ng Pilipinas.

Matatandaan na nahaharap si Guo sa ilang mga kaso kaugnay ng umanoy pagkakasangkot sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator.

Una na rin itong tinanggal ng Ombudsman sa pwesto bilang alkalde matapos ang pamemeke ng ilang mga dokumento kabilang na ang pagkakakilnlan nito.