LEGAZPI CITY-Pinagbigyan nitong araw ng Lunes, Hulyo 20, ng impeachment court ng Senado ang kahilingan ng House prosecution panel na mag-isyu ng subpoena para sa mga bank records at Anti-Money Laundering Council (AMLC) nina Bise Presidente Sara Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio.

Sa isang hiwalay na desisyon, pinagbigyan din ng impeachment court ang mosyon sa isang subpoena para sa mga kaugnay na rekord ng buwis na may kaugnayan sa Bise Presidente.

Binasa ng presiding officer ng Senate impeachment court na si Senator-Judge Francis “Chiz” Escudero ang desisyon sa ikapitong araw ng paglilitis kay Duterte sa impeachment.

“After a careful examination requested, the Court finds that the requested documents meet the requirements set forth above. They are reasonably described, readily identifiable, prima facie relevant and material to the allegations under Article 2,” saad nito.

Aniya, hindi ito ang unang pagkakataon na sinuri ang mga rekord ng bangko sa pamamagitan ng isang impeachment trial, kung saan binanggit rin ang kaso ng dating Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Renato Corona.