Ipinalabas na ng Senado ang arrest order for contempt laban sa kontrobersyal na si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito ay kaugnay pa rin ng hindi nito pagdalo sa pagdinig ng Senado kaugnay ng imbestigasyon sa iligal na mga operasyon ng na-raid na Philippine Offshore Gaming Operator sa Bamban.
Sa kasalukuyan kasi ay iniimbestigahan ng mga mambabatas ang mga ulat ng umanoy human trafficking, serious illegal detention, at torture sa naturang POGO hub.
Matatandaan na sa kabilang ilang ulit na pagpapatawag kay Guo ay bigo itong dumalo sa mga pagdinig ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality noong Hunyo 26 at Hulyo 10.
Una ng inihayag ng legal counsel ni Guo na dumadaan umano ang suspendidong alkalde sa mental stress kaya hindi nakadalo sa naturang mga hearing.
Samantala, binigyan naman ng direktiba ang Office of the Senate Sergeant-At-Arms na isilbi ang naturang arrest order sa loob ng 24 oras.