Hinigpitan ng Senado ang ipinapatupad na seguridad matapos makatanggap ng bomb threat.

Nabatid na kahapon pa na naganap ang naturang banta.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Senate President Chiz Escudero na hindi pa itinuturing na seryoso ang banta subalit mas maigi umano ang pag-iingat.

Aniya, nagsasagawa na ng kaukulang mga hakbang ang Office of the Senate Sergeant at Arms.

Nabatid na natanggap ang naturang bomb threat sa pamamagitan ng social media ng Senado.