Senator Joel Villanueva

Kinumpirma nina Senador Migz Zubiri at Senador Kiko Pangilinan sa pagharap nito sa media na si Senator Joel Villanueva ang magiging ika-13 miyembro ng mayorya.

Nitong umaga lamang ay dumating na rin si Sen. Villanueva sa Senado at sinabing tuloy ang trabaho.

Matatandaan na nakatakdang isagawa ngayong umaga, Hunyo 17, 2026 ang special session ng kapulungan, na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Layunin ng naturang special session na maipasa ang ilang mga priority messures na nakabinbin dahil sa ilang mga kaguluhan sa Mataas na Kapulungan.

Samantala, inaasahan na rin na pormal na magkakaroon ng bagong Senate President kung maaabot ang 13 bilang ng boto mula sa mga Senador.