Naghain si Senator Nancy Binay ng ethics complaint laban kay Senator Alan Peter Cayetano.

Ito matapos ang palitan ng maaanghang na salita na binitawan ni Cayetano laban sa senadora sa pagdinig hinggil sa Senate building.

Matatandaan na nagkainitan ang dalawang mambabatas sa naturang pagdinig na rason upang mag-walk out si Binay sa nasabing hearing.

Nagpalabas kasi ng direktiba si Senate President Francis Escudero na i-review ang gastos sa konstruksyon ng naturang senate building matapos lumutang ang impormasyon na umabot na sa P23 billion ang pondo nito.

Samantala, una ng iginiit ni Cayentano na kabilang sa naturang pondo ang P1.6 billion sa land acquisition.