Senator Sherwin Gatchalian is pushing for stricter regulations for online gambling in the country as part of an effort to address the growing addiction to the game, especially among children.

Itinutulak ni Senator Sherwin Gatchalian ang mas mahigpit na regulasyon para sa online gambling sa bansa bilang bahagi ng pagsisikap na tugunan ang lumalalang pagkalulong sa nasabing laro lalo na ang mga bata.

Sinabi ni Gatchalian na ang panukala ay kabilang sa kanyang 10 priority measures sa 20th Congress.

Ipinaliwanag niya na hindi total ban sa online gambling ang iminumungkahi niya kundi pagbabawal sa paggamit ng GCash sa online gambling, gawing 18 o 21 pataas ang edad ng paglalaro at gawing top up ng minimum bet ay P5,000 hanggang P10,000.

Naglagay din aniya siya ng penal provision kung saan kapag hindi ginawa ng mga regulatory agencies ang kanilang trabaho, maaari silang kasuhan at tanggalin sa serbisyo at maaari rin silang makulong.