LEGAZPI CITY—Naniniwala ang isang abogado na maaaring makapagboto pa rin si Senador Bato Dela Rosa sa kabila ng kanyang pag-absent o kahit na wala ito sa proceedings kung sakaling umakyat na sa Senado ang impeachment complaint ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Influencer/Rockstar Lawyer Atty. Carlo Ybanez, sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, na hangga’t hindi natatanggal si Bato bilang senador, makakaboto pa rin ito dahil may karapatan siyang bumoto bilang senador sa impeachment.
Malaki rin ang kutob ni Ybanez na dadalo ang senador at walang makakapigil dito sa kasagsagan ng botohan sa pag-impeach sa bise presidente.
Dagdag nito, na posible ring mahati ang opinyon ng mga senador katulad ng nangyari sa Kongreso kung saan hindi nagkasundo sina Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima at Akbayan Rep. Chel Diokno na buksan ang kahong may laman ng tax records ni VP Sara, dahil na rin sa marami pang isyu ang posibleng lumitaw sa pagpapatuloy ng pagdinig.
Sinabi rin ni Ybanez na kinakailangan pa ring ilatag ang lahat ng ebidensya sa impeachment trial ni VP Sara pagdating sa Senado.
Samantala, binigyang-diin niya ng naturang abogado na kinakailangang maging interesado ang mga tao sa isinasagawang impeachment process dahil hindi lamang nito tinatalakay ang krimen o paglabag ng bise presidente kundi kinabibilangan din ito ng tiwala ng mga Pilipino sa ikalawang pinakamataas na opisyal sa bansa.
Aniya hindi rin ito pamumulitika na sinasabi ng iilan, kundi may karapatan ang lahat na malaman kung may katotohanan ang mga ebidensya o paratang na ibinabato laban kay VP Sara.











