Former COA Auditor Roderick Wamil and Senator Judge Bam Aquino

Kasabay ng clarificatory questions at manifestations sa witness ng prosekusyon na si dating COA Auditor Roderick Wamil, nilinaw ni Senator-Judge Bam Aquino kung ano ang dahilan ng pagbago ng rules sa confidential funds sa 1992 circular at 2015 circular.

Ito ay kasabay ng ika-13 araw ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte, kaugnay ng article I na may kinalaman sa paggastos ng confidential funds.

Ayon kay Wamil, nagkaroon ng pagbabago dahil sa pangangailangan na mahigpir na accounting at auditing sa confidential fund at intelligence fund ng isang tanggapan.

Aniya, nagkaroon ng circular upang masiguro na ang paggamit ng naturang pondo ay ‘properly accounted’ at hindi magagamit para sa ‘personal use.’

Samantala, iginiit rin ni Aquino na hindi porke itinuturing na confidential ang isang pondo ay nangangahulugan na itong “secret” na pwedeng gamitin sa anumang bagay nang walang pananagutan sa publiko.