LEGAZPI CITY- Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko na tiyakin na lehitimong investments ang papasukan ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay SEC Bicol Regional Director Atty. Norma Tan Olaya ng SEC Bicol, paalala nitong maging maingat sa mga investment scams na nauuso ngayon.

Mistulang dumami umano ang mga sumasangkot sa aktibidad ng panloloko sa kasalukuyang lagay ng bansa.

Ayon pa kay Olaya, isang lending corporation sa Bicol ang binabantayan at pinapatigil ang operasyon matapos na makumpirma na walang lisensya na mag-operate.

Maliban pa ito sa iba pang organisasyon na mino-monitor.

Abiso ng opisyal na upang makatiyak, bumisita lamang sa kanilang website sa www.sec.gov.ph at tingnan kung lehitimo o hindi ang isang organisasyon.

Maaari ring magpaabot ng reklamo at ipagbigay-alam ang report sa mga investment scams sa nasabing website sa pamamagitan ng kanilang email.

SEC Bicol Regional Director Atty. Norma Tan Olaya