LEGAZPI CITY- Umabot na sa lima ang binawian ng buhay sa buong bikol region dahil sa ilang linggong pag-ulan na dala ng tatlong weather system.
Kaugnay nito ay kinumpirma ng Office of Civil Defense Bicol na mayroong nawawalang mga mangingisda sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Gremil Naz ang tagapagsalita ng Office of Civil Defense Bicol, hindi pa nahahanap ang dalawang mangingisda sa Mercedes, Camarines Sur matapos na magpalaot sa gitna ng masamang panahon.
Ayon kay Naz, 12 ang sakay ng bangka ngunit sampu lamang ang nakaligtas.
Sa ngayon nagpapatuloy umano ang search and rescue and retrieval operation ng ahensya upang mahanap na ang mga mangingisda.
Samantala, umabot na sa 1016 na mga pamilya o halos 3,500 na mga indibidwal ang lumikas sa probinsya ng Camarines Norte at Camarines Sur dahil sa patuloy na pag-ulan.
Simula ng unang lingoo ng Enero hanggang ngayon nakapagtala na ng 166 na mga pagbaha, kung saan 83 ang hanggang ngayon an baha pa rin.
Maliban rito, nakapagtala rin ng 30 mga lokal na mga kalsadang naapektuhan ng pabaha, kung saan 25 dito ang hindi pa maaaring madaanan, tatlo ang limitado lamang sa mga light vehicle. at dalawa ang one lane lang ang pwedeng magamit.
Home Local News Search and rescue and retrieval operation sa dalawang nawawalang mangingisda,nagpapatuloy