LEGAZPI CITY- Nasangkot sa aksidente ang sasakyan ng Department of Public Works and Highways at isang rescue vehicle sa boundary ng Barangay Travesia sa bayan ng Guinobatan at Barangay Libod sa bayan ng Camalig.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa naturang mga sasakyan ay nayupi ang unahang bahagi ng DPWH vehicle.

Hindi pa malinaw kung may nasaktan sa insidente subalit sa paunang impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi, nabatid na may sakay na pasyente ang naturang rescue vehicle.

Agad naman na rumespunde sa pinangyarihan ng insidente ang isa pang ambulansya upang maagapan ang pasyente

Samantala, nagdulot naman ng buhol-buhol na daloy ng trapiko ang nangyaring aksidente.

Abangan ang buong detalye ng ulat na ito sa 927 kHz o sa FB live ng Bombo Radyo Legazpi.