LEGAZPI CITY- Isang sasakyan ang nagtamo ng matinding pinsala sa unahang bahagi nito matapos mahagip ng nagba-biyaheng tren sa bahagi ng Cabagñan West sa lungsod ng Legazpi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa chief tanod ng Barangay na si Rogelio Caingcoy, nabatid na walang flagman sa naturang riles kaninang umaga ng mangyari ang insidente.

Ang flagman ang mga nagpapahinto sa mga sasakyan sa tuwing paparating na ang mga nagba-biyaheng tren.

Nabatid na huminto rin ang tren na nakahagip sa naturang sasakyan subalit umalis rin makalipas ang ilang minutong pakikipag-usap.

Samantala, pinayuhan rin ni Caingcoy ang mga drivers at motorista na ugaliing tumingin muna sa kalsada o sa pagdaan sa riles at huwag magsuot ng earphone o headphone kapag nagmamaneho upang marinig ang mga sasakyan sa paligid.