Couples arrested in buy bust ops.

LEGAZPI CITY-Inaresto ng mga awtoridad ang isang 33-anyos na lalaki na isang basurero sa Catanduanes.


Sa ulat ng polisya, alas-11:45 ng gabi nang maaresto ang suspek sa isinagawang drug buy bust operation sa nasabing lugar.


Narekober mula sa suspek ang 2 dalawang plastic sachet ng hinihinalang iligal na shabu, buy bust money, at iba pang non-drug items na may kaugnayan sa ilegal na aktibidad.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Virac Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon habang nakatakdang isailalim sa laboratory examination ang mga nasabat na drug items.


Inihahanda na ng Virac PNP ang kaukulang kaso laban sa suspek para sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Samantala, patuloy ang kampanya laban sa iligal na droga, sugal at iba pang ilegal na transaksyon.