Sangñay-Tiwi Road, hindi pa madadaanan dahil sa muling pagguho ng lupa

60

LEGAZPI CITY- Pinag-iiwas muli ang mga motorista na dumaan sa Sagñay-Tiwi Road dahil sa panibago na namang nairehistrong landslide.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Manuel Damo, MDRRMO Tiwi Officer, umabot sa 50 hanggang 60 metro ang sakop ng nasabing pagguho ng at malalaking mga bato ang humarang sa kalsada.

Base sa mga residente, alas-2 ng madaling araw ng mangyari ang landslide sa Sitio Garang, Barangay Patitinan, Sagñay, Camarines Sur.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang isinasagawang clearing operations sa nasabing lugar, ngunit dahil sa malalaking debris mahihirapan umanong matapos ito agad.

Ngunit ayon sa opisyal kahit pa medyo uminit at gumaganda na ang panahon, posible pa rin ang ganitong mga insidente.

Paalala na lamang ni Damo, maging maingat na lang at mas mabuting dumaan sa mga alternatibong ruta.