LEGAZPI CITY-Naglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan Third Division laban kina dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez, dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co, at dalawa pa nilang kapareho akusado kasunod ng P7.4-bilyong plunder case na isinampa ng Ombudsman ngayong araw ng Lunes, Setyembre 7, 2026.
Naglabas din ang korte ng hold-departure order laban kina Romualdez, Co, Joselyn Tragua Serenio at Felicito Cristobal Guevarra.
Ayon sa Sandiganbayan, nakitaan ng probable cause ang kaso matapos personal na suriin ang mga rekord.
Gayunman, nilinaw ng korte na hindi nangangahulugan ang warrant na napatunayang nagkasala ang mga akusado hangga’t hindi napapatunayang guilty sa paglilitis.
Nahaharap ang apat sa alegasyong pagtanggap ng hindi bababa sa P7.4 bilyong kickback mula sa mga kontratista at iba pang entity na may interes sa flood control, infrastructure at iba pang government projects mula 2022 hanggang 2025.










