LEGAZPI CITY-Ipinahayag ng isang Toxic watchdog group na dapat nang mabawasan ang sandamakmak na mga basurang naiiwan tuwing mayroong festivity celebration sa bansa.
Kasabay ito ng selebrasyon ng Traslacion, kung saan tone-toneladang basura ang nalilikha taon-taon.
Ayon kay Ban Toxic Campaigner Thony Dizon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na panahon na para ayusin ang sistema lalo na sandamakmak na mga basura ang naiiwan dahil rito.
Dagdag pa niya na kung gaano karami ang mga dumalo, ay ganoon rin karami at multipler pa ito ng mga posibleng malikha na basura.
Matatandaan rin umano na noong taong 2024, nasa higit 400 metric tons ang nalikha at nasa higit 260 metric tons naman noong nakaraang taong 2025.
Sinabi rin ni Dizon na isa ito sa mga dapat ikonsidera lalo na ng mga organizers at pati na rin ng simbahan kung papaano mababawasan ang mga basura.
Hinihikayat rin ng opisyal ang simbahan at mag environmental group na ayusin at paigtingin ang sistema sa pag-organisa ng ganitong event o kapiestahan sa bansa.
Kinakailangan umano ito para mabawasan, ma-segregate, at ma-minimize ang mga basura.
Posible rin ang kontaminasyon dahil ‘mixed waste’ ito at maraming ibat-ibang mga produkto mula rito na nagtataglay ng nakalalasong kemikal.
Panawagan niya sa lahat ng nagsasagwa ng debosyon na mas mainam ang pamamahala sa kalikasan at mahalagang ambag rin ito sa ganitong mga selebrasyon at tradisyon.










