LEGAZPI CITY—Inihayag ng mga awtoridad sa bayan ng San Pascual, Masbate na walang naitalang nasugatan o nawawalang indibidwal sa pananalasa ng Bagyong Opong sa lalawigan.
Ayon kay San Pascual Municipal Police Station Chief of Police Major Teddy Flaga, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, bago pa man ang bagyo ay naging cooperative naman umano aniya ang mga residente sa paglikas sa mga evacuation center.
Dagdag pa niya, tinutugunan din ng lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng mga apektadong residente sa nasabing bayan.
Sa kasalukuyan, nagsipag-uwian na aniya ang mga lumikas na residente sa kani-kanilang mga tahanan dahil maganda na ang sitwasyon ng panahon sa lugar.
Samantala, dagdag ni Flaga na naghihintay pa sila ng datos mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office tungkol sa paghagupit ng bagyo sa naturang lugar.