LEGAZPI CITY- Aminado ang ilang mga Pilipino sa Estados Unidos na malaki ang papel na gagampanan ng running mate nina Vice President Kamala Harris at Donald Trump upang makuha ang boto sa swing states.

Matatandaan na napili ni Harris na maka-tandem sa halalan si Minnesota Governor Tim Walz habang running mate naman ni Trump si J.D. Vance.

Ayon kay Bombo International Correspondent Rosemarie Vasquez Wagoner na kilala si Walz bilang isang mapagkumbaba na opisyal na nakatanggap ng maraming suporta simula pa noong naging guro ito.

Si J.D. Vance naman ay patok sa mga ordinaryong mamamayan dahil sa humble begginings nito.

Nabatid na pinag-aagawan ngayon ng Republicans at Democrats ang pitong battle ground states na patuloy pa ring namimili kung sino ang kanilang susuportahan sa November presidential elections.

Samantala, nabatid na sa pinakahuling survey sa mga registered voters ay halos parehong nasa 48% ang suporta kina Trump at Harris.
Subalit sinabi ni Wagoner na inaasahan na magbabago ang takbo ng naturang mga survey oras na matapos na ang nakatakdang debate ng dalawang presidential candidate sa Setyembre.