Magkakaroon ng karagdagang P35 sa kita ng mmga manggagawa sa National Capital Region matapos itong aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.
Ang naturang pasya ng wage board ay kinumpirma rin ng Department of Labor and Employment.
Dahil dito ay tataas ang sahod mg mga empleyado sa naturang rehiyon patungo sa P645 mula sa P610 kada araw.
Kahit pa malayo ang P35 sa halagang hinihingi ng ilang grupo ay inaasahan na makakatulong na ito bilang dagdag sa gastusin ng mga manggagawa.
Samantala, dahil sa naturang hakbang ay hindi naman maiwasan ng ilang labor group na muling ipanawagan ang wage hike sa iba pang mga rehiyon sa bansa.