
Sinabi ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na babalik lamang siya sa Pilipinas pagkatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Si Roque ay kasalukuyang nasa Netherlands at humiling ng asylum sa bansang iyon.
“As soon as Marcos is gone, I’m back on day one. And sana this time around, we make them pay for all their offenses,” ani Roque.
“Ang hirap kasi, the first time around, when we drove them away si Marcos Sr., we just forgave them eh. We recovered some ill-gotten wealth, but not all of it and that’s why they’re back with a vengeance.” dagdag pa niya.
Sinabi ni Roque na hindi niya mapapatawad ang kasalukuyang administrasyon dahil nawalay siya sa kanyang pamilya dahil sa ginawa sa kanya.
“I will never forgive this administration for what they did to me and to my family.”