LEGAZPI CITY – Pinag-aaralan na ng City Government kan Legazpi ang paglalagay ng “rolling stores” upang makatulong sa implementasyon ng social distancing measures na isa sa mga hakbang kontra sa COVID-19.
Naobserbahan sa mga nakalipas na araw na hindi gaanong naipapatupad ang naturang hakbang lalo na sa mga bumibili sa palengke.
Sinabi ni Mayor Noel Rosal sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, magandang hakbang ito kaya’t posibleng ipatupad rin sa public market ng lungsod.
Subalit habang hindi pa naipapatupad ang hakbang, pakiusap ng alkalde na sumunod sa mga protocol na inilatag.
Samantala, tiniyaka ni Rosal ang pagbibigay ng relief assistance at target na mapaabutan ng tulong ang lahat.
Pag-unawa naman ang hangad nito dahil kulang pa ang suplay na dumating kagaya na lang ng request na bigas sa National Food Authority (NFA) na nakapila pa.