LEGAZPI CITY- Pinag-iingat ng mga otoridad ang mga motorista matapos makapagtala ng rock fall at minor landslide sa bagagi ng Sitio Garang, Barangay Patitinan, Sagñay, sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan ng Sagñay na dulot ang insidente ng walang patid na mga pag-ulan na nagduloy ng paglambot ng lupa at pagbagsak ng mga bato.

Sa kabila nito ay nananatili naman na passable ang lahat ng uri ng sasakyan patungo sa bayan ng Tiwi sa Albay.

Samantala, inabisuhan naman ang mga motorista na maging alerto sa posibleng pagbagsak ng bayo at iba pang debris sa lugar.