LEGAZPI CITY- Muling pinapapalakas ng mga otoridad ang implementasyon ng Road Clearing Operations batay sa direktiba ng Department of Interior and Local Government.
Ayon kay Taskforce Kaayusan Legazpi head Andy Marbella sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na maraming mga motorista na naman ang nagpapasaway at nagiging obstruction sa kalsada.
Partikular na tinukoy ng opisyal ang ilang mga drivers na ipina-park ang kanilang mga sasakyan sa kalsada na nagdudulot ng buhol-buhol na daloy ng trapiko.
Paliwanag ng opisyal na maraming mga motorista an ginagawang parking spot ang mga barangay roads at magin ang ilang national roads.
Maging ang mga nagtitinda sa gilid ng kalsada ay binibigyan ng warning kung nakaka abala ang mga ito sa daloy ng trapiko.
Samantala, ipinagpapasalamat naman ni Marbella ang kooperasyon ng mga barangay officials na nangunguna sa paglilinis ng mga road obstruction sa kanilang mga nasasakupang lugar.