LEGAZPI CITY—Patuloy sa pagsagawa ng road clearing operations ang mga awtoridad sa bayan ng Guinobatan, Albay matapos matapos ang pagbagsak ng makapal na abo na dulot ng aktibidad ng bulkang Mayon.
Ayon kay Guinobatan Mayor Ann Gemma Ongjoco, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, una nang naisagawa ang clearing operations sa sentro ng nasabing bayan, ngunit dahil sa panibagong aktibidad ng bulkang nitong Linggo ng umaga, Mayo 3, ay hindi pa natapos ang operasyon sa bahagi ng Maharlika Highway hanggang sa boundary ng Camalig at Ligao City.
Aniya na sa kabila nito sinabi rin ng Bureau of Fire Protection na hindi sila aalis sa lugar hangga’t hindi nalilinis ang mga apektadong lugar sa nasabing bayan.
Dagdag pa ng alkalde na nakapagpamahagi na sila ng tulong para sa mga apektadong residente.
MatatandMatatandaang nagbuga ng malaking volume ng pyroclastic density currents ang bulkang Mayon noong Sabado, Mayo 2, na nakaapekto sa halos 129 barangay mula sa mga bayan ng Guinobatan, Camalig, Oas, at Ligao City.











