LEGAZPI CITY – Pansamantalang isinailalim sa lockdown ang Rural Health Unit ng Pilar, Sorsogon kaugnay ng isinasagawang contact tracing.
Inabisuhan ni Mayor Carolyn Sy-Reyes ang mga nasasakupan na dumirekta na muna ang lahat ng non-emergency cases at mga pasyente sa lying-in clinic sa Vicente Peralta Memorial Hospital sa Brgy. Cumadcad, Castilla, Sorsogon.
Bukas naman ang linya ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para sa mga emergency cases.
Binigyang-diin ni Reyes na ipinatupad ang hakbang para sa kaligtasan ng mga residente at mapigilan ang patuloy na pagkalat ng coronavirus disease.
Magbaba na lamang umano ng kasunod na abiso ang alkalde kung kailan muling bubuksan ang naturang pasilidad.
Samantala, nadagdagan naman ng dalawang panibagong nagpositibo sa COVID-19 ang Pilar kaya’t pumalo na sa 12 ang kabuuang kaso na naitala.