Camalig North Central School
Camalig North Central School

LEGAZPI CITY- Natupok ng apoy ang gabaldon building sa Camalig North Central School sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Albay Schools Division Office Spokesperson Froilan Tena sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na malaking pinsala ang iniwan ng naturang sunog lalo pa at nadamay ang ilang mga mahahalagang dokumento ng distrito.

Nabatid na ang naturang paaralan ay isa sa mga itinuturing na cultural heritage sa bayan ng Camalig na ginastusan ng pamahalaan.

Paliwanag ng opisyal na katatapos pa lamang ng restoration ng naturang gabalon building.

Umaasa naman ang opisyal na mabibigyan ng pondo ang pagsasaayos ng naturang gusali at mga classrooms dahil isa itong cultural heritage site na pinapangalagaan ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Tena na kabilang sa mga napinsala sa sunog ang mga files ng supervisor, mga TV sets, mga dokumento ng mga guro at iba pang learning materials.

Samantala, siniguro naman ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang mga hakbang upang hindi gaanong maapektuhan ang pag-aaral ng mga mag-aaral.