LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang isinasagawang rescue operations ng mga otoridad sa mga sakay ng isang UV Express na inararo ng isang truck sa Barangay Libod, Camalig, Albay.
Ngayong alas 11:20 ng umaga ay nasa limang mga pasahero na ng van ang nakuha habang tinatayang mahigit sampu pa ang patuloy na sinusubuhang mailabas sa naturang sasakyan.
Matatandaan kasi na halos madaganan ng truck ang van kaya pahirapan ang pagsalba sa mga biktima.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Legazpi news team, ilan sa mga biktima ay nawalan na ng malay dahil sa tindi ng tinamong injuries.
Tumanggi rin ang mga otoridad na kumpirmahin kung nakapagtala na ng casualty.











