LEGAZPI CITY – Bagsak na sa kulungan ang isang lalaki na kasama sa Regional Most Wanted Person ng Bicol matapos ang 14 taong pagtatago.

Ayon kay PCapt. Marvy Mejares ang imbestigador kan Aroroy Municipal Police Station, taong 2010 pa ng magpalabas ng warrant of arrest ang kapulisan laban sa hindi na pinangalanan pang suspek para sa kasong murder.

Taong 2011 naman ng masangkot ito sa kaso ng pagnanakaw at pagpatay kung kaya nasampahan naman ng kasong robbery with homicide.

Ayon kay Mejares, matapos ang krimen ilang taon rin na nagtago sa Manila ang suspek kung kaya hindi ito agad nahanap ng mga awtoridad.

Hanggang sa makatanggap ng report ang kanilang himpilan patungkol sa pagbabalik ng suspek sa kanilang lugar sa bayan ng Aroroy kung kaya agad na isinilbi ang warrant of arrest.

Matagumpay na naaresto ang suspek na nasa kustodiya na sa ngayon ng kapulisan.