LEGAZPI CITY- Aminado ang Bicolanong Rank 9 sa February 2024 Plumber Licensure Exam na hindi naging madali ang pinagdaanan bago nakuha ang tagumpay sa eksaminasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Josh Marvin Malto, mayroon siyang full time na trabaho bilang isang civil engineer kaya halos kapos sa panahon sa pag-aaral para sa eksaminasyon.

Kwento nito na nagtatrabaho siya simula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Kinakailangan umano na gumising ng maaga upang magkaroon lang ng isa hanggang tatlong oras na panahon para sa pag-aaral.

Kaugnay nito, ipinagpapasalamat naman ni Malto na pinayagan siyang mag leave ng isang buwan ng malapit na ang eksaminasyon kaya nakahabol pa sa pagre-review.

Si Malto ang panganay sa apat na magkakapatid at anak ng isang retiradong pulis.