LEGAZPI CITY – Arestado na ng mga kapulisan sa Bicol ang rank 2 most wanted person sa rehiyon ng Police Regional Office 4A o Calabarzon.

Sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi, matagumpay na naaresto si alyas “Jom” sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 25 ng Biñan City, Laguna noong ika-9 ng Mayo 2023 sa kasong pagpatay na walang kaukulang piyansa.

Ito matapos ang ikinasang manhunt operation ng pinagka-isang pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group Masbate PFU; RIU5/PIT5 Masbate; Cawayan Municipal Police Station; 94th Special Action Company, 9th SAB; IOS FIID PNP SAF; Masbate MARPSTA; at Biñan City Police Station, Laguna PPO sa Purok 1, Brgy Madbad, Cawayan, Masbate.

Kasabay ng matagumpay ng pagkaka-aresto sa suspek ay nangako ang kapulisan na mananatiling nakatuon ang atensyon nito sa pag-papanatili ng kapayapaan sa rehiyon at patuloy na pakikipagtulungan sa ibang ahensya sa pagpapatupad ng batas.

Samantala, nasa kostudiya na ng CIDG Masbate PFU Office si alyas “Jom” para sa tamang disposisyon.