LEGAZPI CITY- Ikinalungkot ng Commission on Elections (CCOMELEC) ang talamak pa rin na bentahan ng boto ngayong eleksyon na nakikisabay na rin sa makabagong teknolohiya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Comelec Bicol Director Atty. Ma. Juana Valeza, may mga natatanggap silang report na may ilang kandidato ang gumagamit na ng QR code upang malaman kung ilan ang dapat na ibigay sa isang botante.
Mabilis at mas epektibo umano ang ganitong sistema kumpara sa nakasanayang paraan ng vote buying.
Subalit nanindigan ang komisyon na iligal ang naturang gawain habang maaring mahuli at makasohan ang mga gumagawa ng vote sa anumang paraan.
Sa ngayon, iniimbestigahan na umano ng COMELEC ang naturang report upang masampahan ng kaukulang kaso ng mga namimili pa rin ng boto.