LEGAZPI CITY – Hindi hadlang ang anumang estado ng buhay sa mga taong hangad na makatulong.

Ito ang paninindigan ng isang Bicolano artist na naglunsad ng “art for a cause” event kasabay ng layuning makatulong sa pamilya at sa mga apektado ng kalamidad sa Isabela at Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Angelo Duran, nakalikon naman ng mahigit P1,000 sa artwork na naipagbili subalit tuloy-tuloy pa rin ang paggawa ng obra.

Ipinanganak si Duran na walang mga kamay at maikli ang isang paa subalit hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy ang talento sa paggawa ng mga digital arts.

Ang naturang talento ay nagagamit rin ni Duran para makatulong sa pangangailangan ng pamilya.

Nagpapasalamat rin ito sa mga tumatangkilik ng kanyang artworks at pagsuporta sa kanyang hangarin na makatulong pa sa iba.