LEGAZPI CITY- Tuluyan ng binawian ng buhay ang pusang si “Hasbas” matapos itong panain ng hindi pa natutukoy na suspek.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ednalyn Cristo ang Head Volunteer ng Tabaco Animal Rescue and Adoption, nagkaroon na ng fluid sa baga ang naturang pusa dahil sa injury na tinamo nito.

Hindi na rin aniya inabutan pa ng veterinarian na mula sa Maynila ang naturang pusa na nangako sanang ooperahan ito.

Dahil dito ay matinding kalungkutan umano ang nararamdaman ng fur parents ni ‘Hasbas’ na limang taon na nitong nakasama.

Samantala, sa kasalukuyan ay may pinagdududahan na umano ang mga otoridad na nasa likod ng pamamana sa pusa subalit naghahanap pa ng matibay na ebidensya at testigo upang masampahan ito ng kasong paglabag sa Republic Ac No. 8485 o “The Animal Welfare Act of 1998.”

Sa kasalukyan aniya ang patuloy ang kampanya ng naturang grupo para sa tamang pangangalaga sa mga hayop upang maiwasan ang kaparehong insidente.