LEGAZPI CITY – Pinawi ni Legazpi City Mayor Noel Rosal ang pangamba ng mga kababayan matapos ang ulat ng Department of Health (DOH) Bicol sa pagpositibo ng isang 41-anyos na uniformed personnel na bumiyahe patungong lungsod.
Nilinaw ng alkalde sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na taliwas sa ulat ng DOH Bicol, hindi ito mula sa lungso kundi taga-Tondo, Maynila na na-reassign sa Albay at may travel history sa Quezon City asin Mindanao.
Nakausap na rin umano ni Rosal si Police Regional Office 5 Regional Director PBGen. Anthony AlcaƱeses kung saan tiniyak nitong naka-quarantine na rin ang pulis maging ang 27 pang kasama nitong bumiyahe.
Nabatid na Hunyo 4 pa nang makaramdam ng mga sintomas ang pulis habang Hunyo 7 nang dumating sa Albay kung kaya’t isinailalim sa swab test.
Hindi naman maiwasan ni Rosal na magpahayag ng pagkadismaya sa nangyari partikular na sa kawalan ng kabatiran sa prosesong sinusunod ng mga itinatalaga sa lungsod.
Giit pa nitong kontra rin sa patuloy na galaw ng mga tao na walang proper clearance sa gitna ng coronavirus pandemic.
Ang naturang pulis ang ika-89 kaso ng COVID-19 positive sa Bicol.