LEGAZPI CITY—Binigyang pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay si Police Executive Master Sergeant Kristoffer John Bayola matapos itong manalo ng medalya sa isang Taekwondo competition na ginanap sa Estados Unidos.
Ayon kay PEMS Kristoffer John Bayola, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hindi niya inaasahan na makakatanggap siya ng naturang karangalan mula sa Sangguniang Panlalawigan.
Dahil dito, ito aniya ang nagbigay motibasyon sa kanya at mas nagbigay ng lakas ng loob na maging mas determinado sa kanyang mga susunod na laban.
Bilang isang pulis, sinabi rin ng opisyal na nakakatulong ang nasabing sport sa stress management gayundin sa kanyang physical at mental well-being.
Mensahe ni Bayola sa mga gustong mag-aral ng taekwondo na humanap ng mga certified at affiliated taekwondo centers at i-push ang sarili dahil tutulungan sila ng kanilang mga instructor na mapa-unlad ang kanilang kaalaman at kasanayan pagdating sa nasabing sport.