LEGAZPI CITY – Opisyal ng nagpalabas ng La Niña advisory ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kasabay ng pagsisimula ng pag-iral ng Northeast Monsoon o Amihan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Asst. Weather Services Chief Analiza Solis kan Pagasa Climatology and Agrometeorology Division, sa huling bahagi ng taong 2021 ay posibleng makaranas ng palagian na mga pag-ulan.

Batay sa inilabas na La Niña advisory, mayroon nang presensya ng La Niña sa tropical Pacific.

Sa rainfall forecast ng PAGASA, mula ngayong buwan ng Oktubre hanggang sa Marso 2022 ay makararanas na ng above normal rainfall conditions sa malaking bahagi ng bansa.

Ibig sabihan, inaasahang aabot na average na 400mm na rainfall volume ang ibabagsak.

Sa panahon ding ito pumapasok ang mga mapaminsalang bagyo dahil kalimitan ay dumadaan sa kalupaan.

Pinag-iingat naman ang mga residente na maging alerto lalo na ang mga nakatira sa mga flood at landslide prone areas