LEGAZPI CITY—Kinakailangan umano ang pressure mula sa publiklo upang agad na magpasa ng ‘genuine version’ anti-political dynasty law.
Ayon kay Kontra Daya Convenor Prof. Danilo Arao, sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, dapat pag-isipan ng Senado at Kamara de Representantes ang kanilang mga kakulangan huli sa marami ang dapat na ayusin sa pagpasa ng tunay na Anti-Political Dynasty Law.
Aniya kailangang isulong ang fourth degree of cnsanguinity na kung saan kasama sa mga ipinagbabawal na tumakbo ang mga pinsan at iba pang miyembro ng extended family, dahil ang kasalukuyang nakabinbing panukala ay hanggang second degree of consanguinity lamang.
Dapat ding isaalang-alang sa mga ipapasang ley na pipirmahan ng Pangulo ay ang dynastic succession, anti-political dynasty character ng partylist system, gayundin ang usapin sa appointive position o ang pagbabawal sa dynastic appointment.
Binigyang-diin niya na ang desisyon ay kasalukuyang nasa Kongreso dahil wala pang panukalang naipasa sa Malacanang kaya kinakailangan ang public pressure.
Nanawagan din si Arao sa mamamayan na magbigay na pressure upang mapilitang ang mga nasa kapangyarihan na gawin ang mga bagay na ayaw nila.











