LEGAZPI CITY- Itinakda na sa Mayo 23 ang isasagawang konsultasyon kaugnay ng panukala ni Senator Francis Tolentino na magtayo ng naval base sa Panay island sa lalawigan ng Catanduanes.

Ayon kay Catanduanes Board Member Edwin Tanael sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na inimbitahan sa committee hearing ng Sangguniang Panglalawigan ang kinatawan ng 11 bayan sa island provice.

Inaasahan rin ang pagdalo ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Philippine National Police at mga kinatawan ng mga residente ng Catanduanes.

Mahalaga umano na marinig ang tinig ng mga ito kaugnay sa naturang plano upang maging mas malinaw ang ilalagay sa ipapasang resolusyon.

Nag-ugat ang naturang panukala na paglalagay ng naval base ng magtungo sa lugar ang isang Chinese vessel na labis na ipinangamba ng mga residente.

Matatandaan na ang Panay island ay nakaharap sa Pacific Ocean at karaniwang dinadaanan ng malalaking mga barko.

Sinabi ni Tanael na layunin ng panukala na mas mapalakas pa an maritime surveillance sa lalawigan para na rin sa seguridad ng mga lokal na mangingisda.