LEGAZPI CITY-Magsasagawa ng talakayan ang Legazpi Public Safety Office, Barangay Council ng Orosite at City Engineering Office para maresolbahan ang problema sa illegal parking sa lugar.

Ayon kay Legazpi Public Safety Office Head Octavio Rivero, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, pag-uusapan nila ang pagpapatupad ng one side parking sa nasabing barangay kung saan maaari itong ipatupad kada linggo.

Gagawin aniya ito dahil maraming sasakyan ang pumarada sa lugar at maaaring makasagabal sakaling magkaroon ng mga insidente tulad ng sunog kung saan hindi makadaan ang mga malalaking sasakyan.

Sa kasalukuyan, pinahihintulutan nila ang one side parking kasunod ng proposal ng ilang residente.

Pag-uusapan ang mga ordinansa kung itutuloy ang isang side parking at kung maliit ang kalsada ay hindi ito papayagan sa lugar.

Samantala, patuloy din ang paghahanda ng PSO para sa pagdiriwang ng Ibalong Festival, kung saan ang ilan ay binabalaan ukol sa sobrang singil ng pamasahe sa mga tricycle dahil sa mga nakahanay na aktibidad sa lungsod.

Inaabisuhan rin Rivero ang publiko na mag-ingat sa paglalakad sa mga kalsada, at maaaring magreklamo sakaling magkaranas ng overcharging sa mga tricycle sa lungsod.