© Pderg Spdrrmo

LEGAZPI CITY – Nagpadala na tulong ang provincial governnment ng Laguna sa Batangas kahit pa apektado rin ang naasasakupang lugar ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Cristopher Sanji, public information officer ng Laguna Provincial Government, ito ay kaugnay ng direktiba ni Gov. Ramil Hernandez.

Kabilang samganag-augment para sa rescue operations ang trucks ng provincial capitol at dagdag na manpower.

Dumiretso ang mga ito sa inilagay na operations center ng Office of the Civil Defense (OCD) sa Calabarzon.

Samantala, nagpulong narin ang PDRRMC ng Laguna sa pag-evaluate ng pinsalang dulot ng pagputok ng bulkan lalo na sa iba’t ibang sektor.

Kinalampag rin ng opisyal ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtaas ng presyo ng face masks na mula sa dating P45 ay naging P200.

Samantala, makapal na bagsak ng abo ang naramdaman sa Sta. Rosa, Calamba at Cabuyao sa Laguna o sa una at ikalwang distrito ng Laguna.